Sunday, April 16, 2006

Eulogy by Marie Grace B. Perez

Chair, ILIS Student Council

Ang mga estudyante ng ILIS ay nalulungkot sa malaking pagkawala ng isang mabuting ina, at magaling at respetadong dekana. Ngunit kami rin ay nagpapasalamat dahil natapos na rin ang kanyang paghihirap. Kami ay kampante na dahil kaisa na siya ng ating Panginoon. Sa kanyang paglisan, masasayang ngiti at alaala ang kanyang iniwan.

Dean Cruz, di namin malilimutan ang mga klase natin; na kahit masama ang pakiramdam niyo ay pumapasok pa rin po kayo sa klase araw-araw, at hindi niyo po hinayaan na wala kaming matutunan sa mga araw na iyon.

Ma’am, kahit sa sandaling panahon naipakita niyo po sa amin ang tunay na dedikasyon sa pagtuturo at sa LIS profession, naiparamdam niyo po sa amin ang paggalang at pagpapahalaga niyo sa estudyante ng ILIS. Isa po kayo sa mga magsisilbing inspirasyon ng bawat estudyante na naririto ngayon, upang ipagpatuloy ang nasimulan nang pagbabago at mahalin ang ating propesyon.

Hindi rin po namin malilimutan ang biruan, ang hilig niyo sa pagsasabi ng salitang "Oki doki" (para masigurado niyo sa estudyante na okey lang sila), at hanggang sa tawanan natin sa klase.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home